HUMAN RIGHTS

Mga Anino sa Eskinita: Jenny

Sa loob ng isang gabi, tinadtad ng putok ng baril ang ama ni Jenny at pinatay rin ang isa niya pang kapatid ng mga naka-unipormeng grupo. Sa mga lansangan sa kamaynilaan, tila parte na ng bagong normal ang putukan at patayan sa mga madidilim na eskinita. Ayon sa mga human rights groups, higit 20,000 na Pilipino na ang pinapaslang sa ilalim ng kampanya kontra droga ni Presidente Rodrigo Duterte.

Ito ang katotohanan ayon sa mga pamilya ng “nanlaban.”