HUMAN RIGHTS

Mga Anino sa Eskinita: Lani

Nakita ni Lani ang bangkay ng kanyang anak na tadtad ng 11 na tama ng bala. Ayon sa mga pulis, “nanlaban” raw siya sa isang buy-bust operation.

Sa mga lansangan sa kamaynilaan, tila parte na ng bagong normal ang putukan at patayan sa mga madidilim na eskinita. Ayon sa mga human rights groups, higit 20,000 na Pilipino na ang pinapaslang sa ilalim ng kampanya kontra droga ni Presidente Rodrigo Duterte.