HUMAN RIGHTS

Mga Anino sa Eskinita: Miriam

Sa isang iglap, ang apo ni Miriam ay nawalan ng tatay at ng lolo. Ang tanong ni Miriam: Paano nanlaban ang kanyang pamilya kung wala silang baril?

Sa mga lansangan sa kamaynilaan, tila parte na ng bagong normal ang putukan at patayan sa mga madidilim na eskinita. Ayon sa mga human rights groups, higit 20,000 na Pilipino na ang pinapaslang sa ilalim ng kampanya kontra droga ni Presidente Rodrigo Duterte.