RIGHTS IN CRISIS AND EMERGENCIES

Radio program bridges the language gap to deliver health information

 

By Datu Raid Salik
(Translation to English by Mikhaela Dimpas)

Wahida Samsudin, 40, is one of the many who can only understand and fluently speak one language: Maguindanaon, the local language in Maguindanao.

She isn’t that fond of watching television news or listening to the radio because most of the programs are in Filipino or in Bisaya. For her, this might be one of the reasons why she and her family didn’t quite understand what the COVID-19 pandemic meant to their lives.

“It was difficult for us to believe because nobody even got the virus here,” said Wahida.

She also admitted that even her neighbors in Brgy. Pindsandawan in Mamasapano, Maguindanao were not following safety protocols and were going about their everyday lives normally.

During the height of the community quarantines back in March 2020, the health risks of the virus were at the back of their minds. Their focus was on ensuring her four children eat proper meals despite their limited income due to the lockdown.

Often, rumors on the pandemic were also passed from one household to another such as eating bananas and eggs will cure COVID-19 and that the virus came from a newborn child.

Wahida and her family, of course, believed the rumors at first, until they heard the special COVID-related episodes of S’bang Ka Maguindanao. The local radio program debunked these rumors and misinformation through the Maguindanaon language. It airs at DXBUP 100.1 FM every Tuesday to Thursdays at 10:00 am to 11:00 am.

“S’bang Ka Maguindanao is a great help for those of us who have a hard time understanding other languages. It also makes me happy and proud because a fellow Maguindanaon provides us with the right information on current issues,” said Wahida.

Wahida also has a deep appreciation for radio because it is the most accessible means of getting information in Mamasapano.

Her hometown is part of the military-coined “SPMS” Box where conflict between the government and armed groups, and even between clans are rife. Due to this continuous conflict, compounded with the lack of consistent electricity and poor to no internet or cellular signal, the residents are forced into a violent cycle of poverty, injustice, fear, and insecurity.

They are also the most vulnerable to rumors, disinformation, and misinformation that spread which can prove to be harmful to their communities.

Wahida was very grateful that S’bang Ka Maguindanao was able to correct her initial beliefs on COVID. Now, she and her family are aware on the right information on the virus and are now better able to protect their selves and one another.

“It is very important for us to have a local radio program that uses our own language. I hope that many other programs follow suit so those who only know Maguindanaon can also join the conversation and learn,” said Wahida.

FILIPINO

Si Wahida Samsudin, 40, ay may apat na anak na kasalukuyang naninirahan sa Brgy. Pidsandawan, Mamasapano, Maguindanao.

Noong una nyang marinig ang tungkol sa COVID-19, hindi anya sya makapaniwala dahil wala naman itong nasagap na impormasyon na patunay na ito talaga ay totoo. Mula nung nagsimula ipatupat ang Community Quarantine measures, sya at ang kanyang pamilya ay nabahala sa kanilang kabuhayan at iba pang limitadong araw-araw na gawain.

Sya, ang kanyang pamilya at iba pang myembro ng komunidad ay tila di nababahala sa banta ng virus. Patuloy pa rin sa mga gawain sa barangay nila ng walang pag-iingat sa kalusugan.

“Mula nung Marso, kahit kami ay nalilimitahan base sa aming mga napapanood sa TV, di rin kami naniniwala dahil wala rin naman nagkaroon ng virus dito sa amin” sabi ni Gayao.

Para sa kanya, ang Covid-19 daw ay isang uri ng normal lamang na sakit gaya ng sipon, ubo, lagnat na karaniwang nararamdaman din ng mga tao noon pa man.

Dahil sya ay hindi gaanong nakakaintindi ng ibang lenguahe maliban sa Maguindanaon, hindi sya ganun ka-interesado manood ng TV o iba pang media broadcasting outlet na nagdudulot ng mababaw na impormasyon sa kanya.

Ngunit noong nalaman nya ang tungkol sa Sbang Ka Maguindanao — isang programa sa radio na sinasalaysay ang mga impormasyon sa lenguaheng Maguindanaon, sya ay nagalak na makinig dito upang makasagap ng totoong impormasyon sa mga nangyayare. Sya ay nagsimulang tagapakinig mula pa noong Mayo 2020.

“Ang S’bang Ka Maguindanao ay napakalaking tulong sa aming mga nahihirapan umintindi ng ibang lenguahe. Ito ay nakakapagbigay kasiyahan sa amin lalo pat naririnig namin mismo sa kapwa namin Maguindanaon yung mga impormasyon patungkol sa mga nangyayare sa atin ngayon”

“Noong mainit na usapin ang gamot tungkol sa Covid-19, marami ang nagsasabi na ang saging at itlog ay mainam na gamot rito. Ito ay nanggaling daw sa isang bagong panganak na sanggol”

Noong napag-usapan sa programang Sbang Ka Maguindanao ang usaping Saging at Itlog bilang gamot sa covid-19, si Wahida ay nagising sa katotohanan na ito ay hindi totoo at gawa-gawa lamang.

Ang pinaka malaking natutunan ni Wahida sa programang ito ay ang katotohanang Covid-19 ay lubos na mapanganib at dapat isaalang alang ng bawat isa.

Si Wahida ay naniniwala na ang radio ay epektibong mekanismo upang ilahad ang mga impormasyong kasalukuyan sa mga tao. Lalo na sa mga komunidad na walang internet at kuryente.

Marami pa rin anya sa Maguindanao ang mga lugar na di naabot ng internet at ilaw, kabilang na dito ang iilang lugar sa mga munisipalidad ng SPMS Box.

“Ang ganitong pamamaraan, lalo na pag ang gamit ay sarili naming lenguahe, ito ay nakakapagdala ng ligaya sa aming tagapakinig lalo na sa mga oras na kami ay napapagod galing sa trabaho” dagdag ni Wahida.

Hiling ni Wahida ay sana dumami na ang mga programang gumagamit ng local na lenguahe upang makonsidera na ang karamihang naninirahan sa Maguindanao ay hindi hasa sa ibang lenguahe.

“Lubos akong nagpapasalamat sa S’bang Ka Maguindanao dahil ito ay naging tulay sa amin upang maintindihan na ang COVID-19 ay totoo at kami ngayon ay nag-iingat para sa aming kalusugan”.