RIGHTS IN CRISIS AND EMERGENCIES
Local community patrollers defend their communities from COVID-19 rumors
By Jaffari Abdulwahab
Communities in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) have been experiencing continuous armed conflicts and natural disasters. On top of everyday worries on peace and security, people now have the pandemic added to their worries.
The Initiatives for Dialogue and Empowerment through Alternative Legal Services (IDEALS), in partnership with Internews, equips communities in Marawi and Maguindanao to better defend their selves and their families from the new dangerous enemies: rumors, misinformation, and disinformation on COVID-19.
Jhamsid Mamintal, an internally-displaced person, is not a stranger to these rumors because these reach his neighborhood in Sagonsongan Temporary Shelter in Marawi City.
“We hear about the cure for COVID-19 which I know are not true. Aside from this, rumors spread on the resurgence of the ISIS group in our area. We don’t just hear these, but we read them on Facebook as well,” Jhamsid noted.
According to him, these kinds of information bring fear to their community which makes it difficult for them because they are already worrying about COVID-19. When Jhamsid heard of the Rooted in Trust: Information as Aid project through the S’bang Ka Marawi radio program, he didn’t think twice in joining as a community patroller.
“I want to have deeper experiences in talking to other people and to help our community in combatting these rumors,” he said.
The Rooted in Trust: Information as Aid project aims to address the ongoing infodemic and curb the spread of rumors, misinformation, and disinformation through community sessions and localized communication. Since October 2020, several Social Listening Sessions were conducted to identify the types of rumors that are spreading online and offline. After this, the team goes back to the communities to hold Collective Learning Groups to address the identified rumors through verified facts and provide feedback.
To better communicate with people, it is paramount to tap those who they already know and trust. The project recognizes this that’s why local community patrollers like Jhamsid are tapped to facilitate the community sessions and talk to their immediate localities.
Jhamsid saw the effects of rumors and misinformation — community members become lax on following health protocols, they fear getting tested because they think the pandemic is a sham, among others. The negative effects of the infodemic will put the already vulnerable communities to even more danger.
He takes to heart the encouragement of ALLAH to seek knowledge and ask the learned about the things that you are not knowledgeable about.
“I need to talk to my neighbors, families, and friends, and remind them to always verify the information first. Through the project, it made me realize that I can do my part more and encourage people to do the same,” he said.
FILIPINO
Sa pagtutulungan ng IDEALS, Inc. at Internews ay naisakatuparan ang Rooted in Trust Project Philippines na naglalayong mapigilan ang pagkalat ng mga sabi-sabi o rumor sa mga komunidad ng mga taong naapektuhan ng mga krisis lalo na sa panahon ngayon ng pandemya.
Vulnerable o mahihina ang mga komunidad na nauna nang naapektuhan ng mga krisis tulad ng Marawi at Maguindanao Siege kasama na rin ang hindi matapos-tapos na kalat-kalat na armed conflicts sa ilang bahagi ng mga probinsyang kinabibilangan ng mga lugar na ito na kabilang sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), na kung saan ay hindi pa man lubusang nakakaahon sa mga pinagdaanang krisis ay nakararanas na naman ngayon ng iba’t ibang suliranin sa panahon ng pandemya. Isa na rito ang malawakang pagkalat ng mga balita at impormasyong walang batayan na siya nga namang tunay na may malaki at mabigat na epekto sa mga komunidad na ito.
Bilang bahagi ng inisyatibo, nagkaroon ng sunod-sunod na Social Listening Sessions (SLS) at Community Learning Group Sessions (CLGS) sa ilang bahagi ng Marawi, Cotabato, at Maguindanao. Layunin ng Social Learning Sessions na makakalap ng mga sabi-sabi (haka-haka/bali-balita) o rumor mula sa iba’t ibang sektor ng isang komunidad. Matapos malikom ang mga rumor na ito, sa tulong ng mga awtoridad at mga impormasyong may batayan at katotohanan ay ilalagay ito sa Community Rumor Bulletin na tinawag na Salig Bangsamoro ng IDEALS, Inc. at Internews upang mabigyang-tugon ang mga ito na siyang ipinamamahagi sa mga partners, iba’t ibang organization, komunidad at mga opisina.
Sa kabilang banda, ang Community Learning Group Sessions naman ay ang proseso ng pagbibigay-feedback ng mga miyembro mula sa isang komunidad sa mga nalikom na rumor na inilagay sa Salig Bangsamoro Community Bulletin. Sa kabuoan, naglalayon itong alamin ang pagiging angkop ng mga isinasagawang proyekto sa ilalim ng Rooted in Trust PH ng IDEALS, Inc. at Internews.
Sa bawat sesyon ay nagkaroon ng pagkakataong mag-facilitate ang mga Community Patrollers ng S’bang Ka Marawi at S’bang Ka Maguindanao na mga programa sa mga istasyon ng radyo ng IDEALS, Inc. Isa si Jhamsid L. Mamintal, internally displaced person (IDP) at isa sa mga patrollers ng nasabing programa na sumabak sa facilitation ng SLS at CLGS.
Ayon kay Jhamsid, mula sa imbitasyon ng S’bang Ka Marawi niya nalaman ang proyektong ito. Ibinahagi niyang ang kagustuhang makakuha pa ng malawak na karanasan at kasanayan sa pagharap sa ibat ibang tao kasama na rin ang pagtulong sa pamamagitan ng ganitong pamamaraan ang kadahilanan ng kanyang pagsali rito.
“Isa sa mga natutunan ko ang kasanayan sa pagharap sa mga tao, ang pagkakaroon na rin ng ideya patungkol sa mga naiisip nila.” Sabi pa ni Jhamsid.
“Para sa akin, napakaganda ng ganitong project. Nakapagtutulungan ang mga tao- natutulungan ko sila, natutulungan nila ako.” Dagdag pa niya.
Kasalukuyang nakatira si Jhamsid sa Area 5, Sagonsongan Temporary Shelter, Marawi City. Ayon sa kaniya, maganda ang relasyon ng mga nakatira rito, nagkakaisa ang bawat mga pamilya. Mas lalong naging malapit ang lahat sa isa’t isa simula nang sila ay maging magkakapitbahay sa Sagonsongan Temporary Shelter.
“Para naman sa ilang problema namin, isa ang kawalan ng tubig ang aming hinaharap. Pero nagagawan naman ito ng paraan.” Ayon sa kaniya.
Ibinahagi rin ni Jhamsid na kahit sa mismong lugar nila ngayon ay may mga bali-balita, sabi-sabi o rumor patungkol sa COVID-19 na ayon sa kaniya ay malaki ang epekto sa kanilang komunidad.
“Nakakarinig kami ng haka-haka tungkol sa mga gamot sa COVID-19 na pwedeng hindi totoo, tapos sinasabayan pa ito ng mga pananakot na may mga miyembro na naman ng ISIS na nago-organisa sa aming lugar na alam naming hindi ito totoo. Mayroon pa nga sa Facebook.” Dagdag ni Jhamsid.
Ayon kay Jhamsid, nagdudulot ito ng pangamba at pagkatakot dahil sa pagiging mabigat ng mga haka-haka sa kanilang komunidad. Dumadagdag ito sa pagkatakot ng mga tao sa COVID-19.
Nagpahayag si Jhamsid ng interes at pagsusumikap na labanan ang mga ganitong misinformation sa pamamagitan ng pagsali pa sa mga inisyatibong katulad ng Rooted in Trust Project PH. Bilang isang tao, sa pamamagitan ng proyektong ito hindi na siya basta-basta maniniwala sa mga bali-balitang walang batayan. Uugaliin na niyang magsaliksik at magtanong sa mga kinauukulan para sa beripikasyon ng mga balitang ito at huwag basta-bastang maniniwala.
Aniya, mismo ang ALLAH ay nagwikang, “Magtanong kayo sa mga marurunong sa mga bagay na hindi ninyo alam… Ito ang pinakamagandang pag-uugaling marapat gawin nating mga tao.” Ang pagtatapos ni Jhamsid.