Slot machine moderne gratis

  1. Giochi Di Casinò Nomi: Tutte le nostre slot online includono una varietà di bonus, come moltiplicatori, giri gratuiti e re-spin, in modo da poter guadagnare denaro reale se si corrispondono alle condizioni di scommessa.
  2. Grand Vegas Bonus Senza Deposito - Poi c'è un'altra scommessa e viene data la 4a strada.
  3. Bonus 100 Euro Senza Deposito: Se sei un dilettante o aspirante scommettitore sportivo professionista, amerai MyBookie.

Come vincere alla lotteria americana

Selector Bonus Senza Deposito
Mongolia, pontone 21 può offrire richieste è bonus senza deposito.
Dado Probabilità Numero Pari
Potresti depositare di più con un metodo bancario non criptato, ma il valore del bonus non sarebbe così alto.
Ogni volta che c'è una nuova offerta sul tavolo, riceverai una notifica per non perderla.

Poker che cosa è

Fruity Frost Slots Free Spins No Deposit
Fondamentalmente, tutto quello che dovete fare dopo che è quello di conoscere le differenze e regolare il vostro gioco per soddisfare i requisiti del nuovo gioco per quanto riguarda la classifica a mano e così via.
Nuovi Casinò Bitcoin Del 2025 Per Il Mercato Italiano
Il nostro team di assistenza clienti risponde alle vostre esigenze in modo responsabile e veloce.
Metodi Roulette Software

RIGHTS IN CRISIS AND EMERGENCIES

Karanasan sa armadong bakbakan: pagmumulat tungo sa mapayapang pamayanan

“Madaling araw ng ika-25 ng Enero sa taong 2015, ako’y naalimpungatan dahil sa ingay sa labas, dinig ang mga sasakyan na dumadaan at yapak ng mga bota patungo sa di malamang direksyon. Mukhang mga sundalo ng gobyerno na magsasagawa ng operasyon sa aming lugar. Ito na ang pinakamatinding karanasan ko simula nang magkaroon ng bakbakan sa aming lugar.”

Ito ang pagsasalaysay ni Jabbar Magandingan, dalawampu’t isang taong gulang na residente ng Shariff Saydona Mustapha, Maguindanao ng kanyang naging karanasan noong nagkaroon ng engkwentro ang Special Action Force (SAF) at Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Anim na taon nang nakalipas at sariwa pa rin sa alaala ni Jabbar ang kanyang naging karanasan noong nangyari ang engkwentro ng Mamasapano massacre. Kwento niya, hindi na raw bago ang paglikas sa kanila dahil ginagawa na nila ito mula pa noong bata siya. Ngunit iba raw ang naging karanasan niya noong nangyari ang insidente.

“Pito kaming magkakapatid, bawat isa sa amin ay may na-assign na dadalhin, sabi ng aking nanay at tatay, kapag tayo na ay lumikas, ito ang dadalhin mo. Ang na-assign sa akin ay kaldero na may kanin para kahit saan kami pumunta may kakainin kami, ang pinaka-goal talaga ng aking mga magulang kung bakit may kanya-kanya kaming assignment, para kahit saan daw kami mapunta, mayroon kaming makakain.” paglalahad ni Jabbar sa kanyang naging karanasan sa paglikas.

“Ang aming barangay kasi ay malapit lamang sa pinangyarihan ng insidente, kaya rinig ang putukan at habang nagsisilikas ang mga residente, kitang kita ang takot sa kanila”, dagdag pa niya.

Apatnapu’t apat mula sa pwersa ng SAF at tinatayang bilang na labing walong MILF ang nasawi sa isinagawang Oplan Exodus sa nasabing munisipyo. Ang Oplan Exodus ay isang operasyon upang malabanan ang banta ng terorismo na inilunsad ng Philippine National Police (PNP) para tugisin ang Malaysian terrorist na si Zulkifli bin Hir, alyas Marwan. Magbibigay naman ang US Department of Justice ng $5-million o katumbas ng 250 million pesos upang mahuli lamang si Marwan ngunit kalaunan ay napatay rin ito sa isinagawang operasyon.

Ang naging karanasan ni Jabbar sa dekadang armadong bakbakan ay naging tulay upang siya’y mamulat sa katotohanan na bilang isang kabataan, magagawa niyang baguhin paunti-unti ang kasalukuyang sitwasyon ng kanilang lugar. Ito man ay sa banta ng terorismo o sa iba pang isyu na kinakaharap ng kanilang komunidad.

Kakulangan sa edukasyon at kakulangan sa partisipasyon ng mga kabataan sa usaping kapayapaan ang mga pangunahing pagsubok o isyu na kinakaharap ng kanilang komunidad. Maliban dito, mahirap din ang lokasyon ng kanilang barangay sapagkat ito ay hindi magkakatatabi tulad ng ibang munisipyo na sakop ng probinsya. Ito ay nagiging hadlang upang mas magkaroon ng magandang daloy sa pagbibigay ng mga mahahalaga at napapanahong impormasyon, wala ring gaanong magandang komunikasyon sa pagitan ng mga namumuno at residente.

“Hinugot ko sa mga problema ng aming komunidad kung bakit ko naisipang lumahok sa iba’t ibang usapin na may kinalaman sa pagpapaunlad at pagkakaroon ng kapayapaan na matagal na rin naming minimithi para sa aming komunidad. Hindi man sa ngayon ngunit balang araw basta’t may pagtutulungan at pagmamahalan, makakamit din ang matagalang kapayapaan”, sabi ni Jabbar.

Ayon pa sa kanya, noong siya raw ay lumahok sa Bityala Kalilintad, nagkaroon daw siya ng pagkakataon na mailahad ang kanyang naging karanasan.

“Ganoon pala ang pakiramdam kapag naikwento mo sa kapwa mo kabataan ang iyong karanasan na siyang naging daan upang ako’y makilahok pa sa pagpapanday ng kapayapaan sa aming lugar. Minulat ako ng ganito klaseng interbensyon upang mas pagbutihin ko pa ang aking adbokasiya, iba kapag parte ka ng pagkakaroon ng pagbabago sa iyong lugar”, kwento ni Jabbar.

Panimula pa lang daw ito at alam niyang maraming pang pagsubok ang hahadlang sa pagkakaroon ng pag unlad at kapayapaan sa kanilang komunidad. Pangarap niya na mas mahikayat pa ang kapwa niya kabataan na lumahok sa mga usaping may kinalaman sa kanilang komunidad dahil naniniwala siya na ang kabataan ay may malaking parte sa pagpapabago at pagpapaunlad tungo sa mas progresibong pamayanan. Naisipan na rin daw niyang bumuo ng isang organisasyon na magiging daan para mas magkaroon pa ng partisipasyon ang kapwa niya kabataan. ##